Inaasahang gaganda na ang panahon matapos malusaw ang Low Pressure Area (LPA) na dating bagyong ‘Onyok’ sa silangan-hilagang silangan ng Zamboanga City.
Matatandaang nagdulot ng mga pag-ulan ang naturang sama ng panahon nang dumaan sa Mindanao na nagresulta sa pagbaha ng maraming lugar.
Samantala, tail-end of a cold front pa rin ang nagdudulot ng mga kaulapan hanggang sa may mga pag-ulan sa Bicol Region at lalawigan ng Quezon.
Sa Central at Southern Luzon, gaganda na ang lagay ng panahon matapos ang ilang araw na pag-ulang dulot naman ng dumaang bagyong ‘Nona’.
Ayon sa PAGASA, wala nang iba pang sama ng panahon na nagbabanta sa Pilipinas ngayong buwan ng Disyembre.
By Mariboy Ysibido v