Mas mabuti na ang lagay ng panahon sa Legazpi City, Albay, ngayong araw.
Ito, ayon kay Legazpi Mayor Noel Rosal, ay matapos halos dalawang oras silang bayuhin ng malakas na hangin at ulan na dulot ng bagyong Nina.
Sinabi ni Rosal na masuwerte ang Legazpi dahil bagamat nawalan din sila ng kuryente ay maituturing na “manageable” ang sitwasyon sa kanilang lugar.
Affected individuals
Samantala, umakyat na sa 95, 777 ang bilang ng mga naapektuhan dahil sa bagyong Nina.
Ang naturang bilang ay mula sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Bicol at eastern Visayas.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, mahigit 87,000 sa bilang nga mga naapektuhan ng bagyo ay nananatili pa ngayon sa may 310 evacuation centers.
Kasabay nito, tiniyak ng DSWD na sapat ang food packs at pondo para sa mga apektadong mamamayan.
By Katrina Valle | Ratsada Balita | Ralph Obina