Nagbabala sa mga motorista ang North Luzon Expressway (NLEX) kaugnay sa inaasahang bigat ng trapiko simula ngayong araw.
Kasunod ito ng pagbabalik ng mga lumuwas sa probinsya at iba pang parte ng Metro Manila, upang gunitain ang Holy Week.
Ayon sa NLEX, magsisimula ang bigat ng trapiko ngayong araw hanggang bukas ng umaga, Abril 18.
Gayunman, pinayuhan pa rin ng NLEX ang publiko na maging maingat sa pagmamaneho at panatilihin ang tamang distansiya sa mga sasakyan.
Ito ang itinuturing na unang Semana Santa sa Pilipinas, kung saan hindi na ganoong kahigpit ang restriksyon laban sa COVID-19. — sa panulat ni Abby Malanday