Gumaganda na ang sitwasyon ni Senador Miriam Defensor Santiago.
Ayon sa official twitter account ng senadora, anumang oras ay uubra na itong ibalik sa isang pribadong kuwarto mula sa ICU ng Makati Medical Center.
Nagpasalamat ang senador sa mga nagdasal para gumanda ang kanyang kalagayan.
Una rito ay nanawagan ng panalangin si Senador Bongbong Marcos para sa kanyang running mate noong halalan na si Senadora Miriam Defensor Santiago.
Ito’y ayon kay Marcos matapos kumpirmahin ng pamilya ni Santiago na nasa intensive care unit o ICU ang senadora sanhi ng pneumonia.
Sinabi ni Marcos, hangad niya ang mabilis na paggaling ni Santiago kaisa ng mga taga-suporta nito.
Nananatili aniya ang tapang ni Santiago sa kabila ng pagkakaroon ng stage 4 cancer sa baga kung saan, pinili pa rin nitong maglingkod sa bayan.
By Judith Larino | Jaymark Dagala