Nabunyag muli ang pagkakaroon ng “kickback” o “lagay system” sa DBM o Department of Budget and Management.
Ito’y makaraang makatanggap ng sumbong si House appropriations committee chairman Rolando Andaya, Jr. mula sa mga kawani ng DBM na lumobo na sa P100 billion ang hindi nababayarang kontrata noong nakaraang taon para sa mga infrastracture projects sa ilalim ni Secretary Benjamin Diokno.
Dahil dito ay napipilitan umanong kumuha ng kickback ang mga contractor ng DPWH o Department of Public Works and Highways para sa mga natapos na imprastraktura.
Nangangamba ngayon si Andaya na baka mag-atrasan ang mga lehitimong contractor na mag-bid para sa ‘Build Build Build’ program na posible anyang mauwi sa pagbagal ng paglago ng ekonomiya.