Lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan upang mapalaya ang 444 na political prisoners na inihihirit ng NDF-CPP-NPA.
Ayon kay CPP founder Jose Maria Sison, isinumite na sa Malakanyang ang draft proclamation na nagbibigay ng amnesty sa mga nasabing bilanggo.
Ang amnesty ay kailangan para sa deklarasyon ng isang a joint bilateral ceasefire o suspension of hostilities.
Walumpu’t isa sa mga political prisoner ay mga babae at nakatatanda na ikinukunsidera rin para sa agaran nilang paglaya base sa humanitarian considerations.
By: Drew Nacino