Tatapatan ng grupo ng mga Overseas Filipino at migrant workers ang umiiral na laglag bala modus sa NAIA.
Ito’y bilang tugon sa dumaraming kaso ng mga nabibiktima ng nasabing modus na karamiha’y mga OFW.
Ayon kay John Leonard Monterona, Regional Coordinator ng Migrante Middle East, nakikipag-ugnayan na sila sa ibang grupo upang ilunsad ang laglag o bawas padala gayundin ang laglag boto.
Aniya, maihahalintulad ang laglag o bawas padala sa zero remittance day na makailang beses na nilang ginawa.
Habang ang laglag boto naman aniya ay maituturing na no vote campaign sa lahat ng mga kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino na tatakbo sa darating na 2016 elections.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco