Binigyan ng bagsak na grado ni Albay Representative Edcel Lagman ang pagtugon ng Administrasyong Duterte kontra COVID-19 pandemic.
Sa isang pahayag, sinabi ni Lagman na ang naturang kabiguan ng Pangulo na matugunan ang pandemya ay lubhang nakaapekto sa estado ng kalusugan ng bawat Pilipino at sumisira rin aniya sa ekonomiya.
Mababatid na sa nakaraang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa, patuloy lang ani Lagman na lumalabas ang ‘ineffectiveness’ o hindi epektibong pagtugon ng administrasyon.
Samantala, sinabi pa ni Lagman na sa mga bansang kabilang sa ASEAN, tila naging mabagal din ang paggulong ng vaccination program ng pamahalaan.