Pinagpipilian ng House Minority Group si Albay Congressman Edcel Lagman para isabak sa pagka House speaker.
Ayon ito mismo kay Lagman na nagsabing layon ng pagsabong niya sa house speakership race ay para makuha ng minorya ang minority leadership.
Hindi pa tinukoy ni Lagman kung sino ang iba pang pinagpipiliian ng minorya na isabak sa pagka House speaker dahil patuloy pa ang deliberasyon nila hinggil dito.
Kasabay nito, tiniyak ni Lagman na hindi magiging obstructionist ang oposisyon sa 18th congress at maaaring makipag tulungan ang minorya sa mayorya lalo na sa pagsusulong sa kapakanan ng publiko at pagsunod sa batas.
Nanawagan naman si Lagman sa super majority na hayaang magkaroon ng tunay na oposisyon sa Kamara at hindi na maulit ang majority’s minority kung saan sinasabing kaalyado pa rin ang nailuklok na lider ng minorya noong 17th Congress.