Pinaghahanda na ng Laguna Lake Development Authority o LLDA ang mga local government sa paligid ng lawa sa posibleng pag-apaw nito dahil sa dami ng ulang ibinagsak ng habagat, kamakailan.
Ayon kay Emil Hernandez, Environmental Regulations Department Manager ng LLDA, sa sandaling umabot sa 12.5 meter elevation ang tubig sa Laguna Lake ay magreresulta ito sa pagbaha sa mga mababang lugar.
Kabilang anya sa mga pinangangambahang malubog ang mga mababang lugar sa lalawigan ng Rizal gaya sa mga bayan ng Taytay at Cainta maging sa ilang bahagi ng Laguna, Taguig at Muntinlupa.
Samantala, tiniyak naman ni Rizal Governor Nini Ynares na ginagawa na nila ang mga paraan upang maayos na dumaloy ang tubig mula sa lawa palabas ng Manila de Bay.