Isasailalim na sa Enhanced Community Quarantine o ECQ ang laguna, Iloilo City at Cagayan De Oro simula ngayong araw hanggang 15 ng Agosto.
Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang mga lalawigan ng Cavite, Lucena City, Rizal at Iloilo Province ngayong araw hanggang 15 ng Agosto.
Habang ang Batangas at Quezon province at nasa ilalim ng General Community Quarantine with heightened restrictions sa kaparehas na petsa.