Kinumirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo na administratively relieved na si Laguna Provincial Police Office Director, P/Col. Rogarth Campo.
Ito’y ayon kay Fajardo ay upang bigyang daan aniya ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay sa kaso ng nawawalang mga sabungero at maiwasang maimpluwensyahan ito.
Magugunitang inakusahan ng e-sabong operator at kilalang gambling lord na si Charlie “Atong” Ang sa naging pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangrous Drugs si Campo na tumanggap umano ng 1milyong piso mula sa kaniya.
Maliban dito, positibo ring itinuro si Campo ng mga humarap na saksi sa Senado hinggil sa umano’y pagdidispatsa sa mga nawawalang sabungero.
Epektibo ngayong araw, naka-assign na si Campo sa Personnel Administrative Unit ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon. – ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)