Inanunsyo ni Laguna representative Ruth Hernandez na nagpositibo siya sa COVID-19.
Ginawa niya ang anunsyo ilang araw lamang matapos na magpositibo rin sa COVID-19 ang kanyang asawa na si Laguna governor Ramil Hernandez.
Sinabi pa ng kongresista na susundin niya ang required health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Patuloy rin aniya siyang makikiisa sa congressional hearings na ginagawa online.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico