Malinis na mula sa illegal vendors ang Lagusnilad Underpass na malapit sa Manila City Hall.
Kasunod na rin ito nang ipinag-utos na clearing operations ni Manila Mayor Isko Moreno.
Ang underground walkway na nag-uugnay sa city hall at Intramuros ay matagal na panahon ding inokupahan ng illegal vendors.
Gayunman, hindi pa naayos ng city hall ang mga sirang tiles at mga dumi sa lapag ng underground.
Winelcome naman ng ilang pedestrian ang inayos na underpass.