Pinangangambahan ang pagdaloy ng lahar mula sa Mount Bulusan sanhi ng malalakas na pag-ulang nararanasan sa Sorsogon.
Ayon kay Henry Imperial, Research Assistant Specials ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nakabase sa Sorsogon, maaaring dalhin ng malakas na ulan ang mga dati na at bagong deposito ng abo sa bunganga ng bulkan na naipon dahil sa mga pagsabog mula noong Mayo hanggang ngayong Hunyo.
Gayunman, sinabi ni Imperial na hindi naman gaanong marami ang naipong abo sa bunganga ng bulkan subalit maaari pa rin itong maging sanhi ng panic sa mga residente.
Kabilang aniya sa mga lugar na puwedeng daanan ng lahar ang Ranggas Channel sa barangay Anniog sa bayan ng Juban at Cogon Channel sa Barangay Cogon sa bayan ng Irosin.
By Len Aguirre