Pinag-aaralan na ngayon ng PHIVOLCS ang posibilidad ng lahar flow mula sa Bulkang Bulusan bunsod ng pinakahuling pagsabog nito
Inihayag ito ng PHIVOLCS Region 5 kasunod ng inaasahang pagpasok sa bansa ng mas madalas at mas malalakas na mga pag-ulan dulot ng La Niña Phenomenon
Ayon kay Dr. Eduardo Laguerta, resident Volcanologist sa Bicol Region, patuloy ang isinasagawa nilang aerial survey para matukoy kung anong mga bayan ang tatamaan sakaling rumagasa ang lahar mula sa bunganga ng bulkan
Ini-ulat pa ni Laguerta na kaunti na lamang ang nakita nilang abo sa bunganga ng bulkan dahil sa na-wash out na ito bunsod ng mga pag-ulan sa lugar
by: Jaymark Dagala