Nakatakdang katayin ang lahat ng 2,500 baboy sa dalawang barangay sa Davao City matapos maapektuhan ng African Swine Fever (ASF).
Ito, ayon kay Agriculture assistant secretary at spokesman Noel Reyes ay para maiwasan na ang paglaganap ng ASF.
Ang mga barangay ng Dominga at Lamanan sa Calinan District ay una nang isinailalim sa state of calamity at naka-quarantine na rin.
Hinihinalang sa isang livestock auction market sa Sulop, Davao del Sur nakuha ang ASF na nakapasok sa Davao City.
Samantala, maliban sa P5,000 kada baboy na ibibigay ng DA sa hog raisers, magbibigay din si Davao City mayor Sara Duterte ng P5,000 pa kaya’t P10,000 ang makukuha ng hog raisers sa bawat alagang baboy na kailangang katayin.