Ipina sususpindi ni Cong. Ruffy Biazon ang lahat ng byahe ng eroplano na galing ng Wuhan City sa China .
Sumulat si Biazon kay Captain Jim Sydiongco, Director General ng Civil Aviation Authority of the Phil. (CAAP) upang hilingin ang suspensyon ng biyahe ng royal air charter service at iba pang airlines na galing ng Wuhan.
Layon nito na maiwasan ang pagkalat pa ng novel coronavirus na nagmula sa naturang syudad sa China.
Ayon sa CAAP, iniyendorso na nila sa Civil Aeronautics Board ang liham ni Biazon dahil sila ang may sakop sa mga air carriers.