Inatasan ng Pangulo ng Paraguay na si Mario Abdo Benitez ang lahat ng cabinet ministers na magbitiw sa puwesto.
Ang hakbang ay ginawa ni Benitez matapos magkasagupa ang mga demonstrador at mga pulis sa kilos-protesta ng mga mamamayan dahil sa umano’y palpak na paghawak ng gobyerno sa Covid-19 crisis.
Matatandaang ipinanawagan din ng mga raliyista ang pagre-resign ni Benitez dulot ng patuloy na pagtaas ng bilang ng impeksiyon sa kanilang bansa kung saan halos masagad na ang kapasidad ng mga ospital.