Suspendido na ang lahat ng commercial flights, papasok at palabas ng Pilipinas simula ngayong araw Mayo 3.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), layunin ng hakbang ang mapigilan pa ang lalong pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Samantala, sinabi ng MIAA na magpapatuloy pa rin ang mga cargo flights, medical supplies, utility at maintenance flights.
Ang nabanggit na utos ay ibinaba ni national taskforce against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez.