Inoobliga na magpabakuna kontra COVID-19 ang lahat ng empleyado ng Davao City government.
Alinsunod ito sa direktiba ni Davao Mayor Sara Duterte, kung saan dapat fully vaccinated na ang lahat ng plantilla, job order, contract of service at volunteers bago sumapit ang Nobyembre 30, 2021.
Kaugnay nito, inatasan na rin ang Human Resource Management Office na i-organisa ang schedule ng bakuna ng mga tauhan ng City government.
Ang mga tatangging magpabakuna ay sususpindihin ng isang buwan.
Habang ang mga lalabag sa kautusan ay sususpindihin ng isa hanggang anim na buwan naman para sa unang paglabag.
Tatanggalin naman sa serbisyo ang mga tauhan na lalabag sa ikalawang pagkakataon.
Hindi naman kasama sa mandatory vaccination ang mga indibidwal na hindi pa maaaring bigyan ng bakuna.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico