Suspendido na ang lahat ng mass at public transportation services simula kaninang 12 a.m. ng hating gabi kasunod ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Ayon kay Inter-Agency Task Force (ITAF) Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa suspendido ang operasyon ng MRT 3, LRT 1, LRT 2 at Philippine National Railways (PNR).
Hindi rin aniya papayagang bumiyahe ang mga pampublikong bus, jeepney, tricycle, taxi at mga tnvs tulad ng Grab.
Dagdag ni Nograles, limitado rin ang land, air at sea travel, papasok at palabas ng Luzon.
Lahat aniya ng mga pasaherong papalabas ng bansa mula sa mga international airport sa Luzon ay binibigyan ng 72 oras mula maging epektibo ang enhanced community quarantine na makaalis ng bansa.
Habang ang mga papasok na pasahero mula sa ibang bansa ay kinakailangang sumailalim sa quarantine procedures.
Inbound international passengers in transit upon activity of enhanced community quarantine; all inbound Filipino citizens including foreign spouse and children if any holders of permanent resident visa and holders of diplomat visas issued by the Philippine government shall allowed entry subject of applicable quarantine procedures if coming from countries with existing travel restriction impose by the IATF., ani Nograles
Tiniyak naman ni Nograles na tuloy-tuloy ang paggalaw ng mga kargamento sa Luzon lalu na ang mga nagdadala ng mga pangunahing pangangailangan.
The movement of cargos within to and from entire Luzon shall be unhampered for this purpose guidelines for the accompanying crew or personnel of transiting cargos shall be formulated by the Department of Transportation; land, air and sea travel of uniformed personnel for official business especially those transporting medical supplies, laboratory specimens related to the COVID-19 and other humanitarian assistance shall be allwed., ani Nograles