Itinuturing ng suspek ng Manila Police District ang lahat ng opisyal at miyembro ng Aegis Juris Fraternity sa pagkamatay ng U.S.T. Law Student na si Horacio ‘atio’ Castillo the third alinsunod sa umiiral na anti-hazing law.
Kinumpirma ni MPD Spokesman, Supt. Erwin Margarejo na primary suspect si John Paul Solano, ang lalaking nakakita at nagdala sa bangkay ng hazing victim sa Chinese General Hospital.
Ayon kay Margarejo, hindi maikakaila sa CCTV footage na magkasama sina Solano, Castillo at iba pang miyembro ng Aegis Juris Fraternity nang lumabas sa University of Santo Tomas at naglakad sa Dapitan street sa Sampaloc, Maynila.
Iprinisinta na ngayon ng M.P.D. sa media ang mga kuha ng CCTV at larawan ni Solano na nakasuot pa ng t-shirt na may tatak na Aegis Juris Fraternity.
Ulat ni Aya Yupangco
SMW: RPE