Nakatakdang isailalim sa white alert status bukas, December 21 ng Department of Health ang lahat ng mga ospital sa bansa.
Sinabi ni Health Secretary Janette Garin na bahagi itong kanilang paghahanda para sa posibleng pagtaas ng bilang ng mga magkakasakit kasunod ng malamig na panahon.
Ani Garin, mas mataas ang tiyansa ng pagtama ngayon ng mga sakit na ubo, sipon at lagnat lalo na sa mga bata at matatanda.
Ang white alert status ay ang sitwasyon kung saan naka-stand by ang lahat ng hospital personnel para sa deployment at augmentation sakaling kailanganin ang karagdagang medical services.
Bukod dito, pinaghahandaan din ng DOH ang mga posibleng tamaan ng paputok at ligaw na bala sa pagsalubong ng bagong taon.
By: Allan Francisco