Tiniyak ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na wala nang Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs sa bansa sa pagtatapos ng taon.
Ayon kay PAGCOR Chairman Alejandro Tengco, sa katunayan ay sinimulan nila ang pagbuwag sa mga pogos na sangkot sa mga iligal na aktibidad pagkaupo niya sa opisina noong 2022.
Inisyal na 298 online gambling hubs anya ang nagsasagawa ng operasyon sa bansa pero ibinaba ito ng PAGCOR sa 48, bago pa ang tuluyang ipagbawal ang pogo operations.
Iginiit din ni Tengco na pagsapit ng january 1, 2025, ang mga POGO na nag-o-operate, kabilang ang mga nasa probinsya, ay ituturing na iligal dahil sa kanselasyon ng kanilang mga lisensya.
Kasunod nito ay binigyang-diin ni Tengco na nakasalalay ang implementasyon sa law enforcement agencies, dahil kulang ang police power ng PAGCOR.