Tuluyan ng nabawi ng Syrian Government sa tulong ng Russian Armed Forces ang lahat ng teritoryong sinakop ng Islamic State.
Ayon kay Russian Armed Forces Chief of Staff, Gen. Valery Gerasimov, nakatutok na ang Syria sa rehabilitasyon ng mga lugar na matinding nagtamo ng pinsala sa anim na taong digmaan.
Gayunman, hindi pa rin anya mawawala ang mga maliit na pag-atake ng ilang nalalabing ISIS member na patuloy na tinutugis ng mga otoridad.
Isa rin sa mahigpit na tinututukan ang peace process sa pagitan ng Syrian government at mga rebeldeng grupo.