Target ng Department Of Tourism na mabuksan na sa turismo ang lahat ng mga dinarayong lugar sa bansa ngayong nalalapit na kapaskuhan.
Ito’y kasunod ng muling pagbubukas ng ilang tourist destinations tulad ng Tagaytay, Baguio at Boracay sa gitna ng umiiral pa ring pandemya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa DOT, layon nitong mabigyan ng trabaho ang mga Pilipinong nawalan ng hanapbuhay dulot ng pitong buwang lockdown dahil sa pandemic.
Gayunman, ipinauubaya na ng kagawaran sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapasya kung bubuksan na rin nila sa mga turista ang kanilang lugar.