Gagawin nang online ang lahat ng transaksyon Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa June 16.
Sa anunsyo ng Department of Transportation (DOTr), nagsagawa na sila ng pilot testing ng programang Public Transport Online Processing System (PTOPS) mula noong unang araw ng Hunyo hanggang sa 15.
Gayunman, hindi kasama sa online transactions ang publication at pagdinig sa mga kaso.
Layon ng PTOPS na maipatupad ang health protocols lalo na ang social distancing.
Umaasa rin ang DOTr na mababawasan kundi man masusugpo na ang katiwalian sa mga transaksyon sa LTFRB sa pamamagitan ng online transaction.