Suspendido ang lahat ng transaksyon sa kampo Crame epektibo alas 12:00 ng tanghali.
Ayon sa PNP Civil Security Group (CSG), ito ay upang magbigay daan sa kanilang paghahanda para sa ika-118 anibersaryo ng police service na inaasahang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP – CSG Spokesperson Police Lt. Col. Regina Abanales, kabilang sa sarado ay ang tanggapan na nagpoproseso ng License To Own and Possess Firearms (LTOPF), ibang pang clearance at maging ng bangko.
Dagdag ni Abanales, mahigpit ding ipatutupad ang ‘no car pass, no entry policy’ sa Kampo Crame bago ang tuluyang pagsasara ng lahat ng gate nito para sa mga sasakyan at pedestrians.
Mula tanghali, pupuwesto na rin sa Kampo Crame ang mga miyembro ng Presidential Security Group para matiyak na magiging maayos at mapayapa ang nakatakdang pagtungo ng pangulo doon.
With report from Jaymark Dagala (Patrol #9)