Malaki ang gampanin ng buwitre sa ating ecosystem dahil ito’y itinuturing na “scavenger” o naglilinis ng mga patay o bangkay ng mga tira-tirang hayop sa kapaligiran na maaring maglaman ng mapanganib na microbes at sari-saring sakit at para maiwasan ang disease outbreaks.
Madalas manirahan ang mga buwitre sa disyerto, o damuhan na malapit sa tubig. At sa 22 vultures species, 14 na uri nito ang nanganganib na ma-extinct o tuluyan nang mawala at ang pinaka-malaking banta sa buhay ng mga ito ay ang pagkalason. Mabilis bumaba ang populasyon ng Vultures o buwitre sa kontinente ng Africa at sa Southeast Asia dahil sa lason at ginagamit ang parte ng kanilang katawan sa traditional medicinal purposes ng mga witch doctor.
Kilala man na bantay-salakay o oportunistang hayop ang mga buwitre, mayroon pa rin silang mahalagang gampanin sa ating kapaligiran. Isa ang vulture sa mga endangered species at pinakamabilis maubos na uri ng ibon sa buong mundo.—mula sa panulat ni Angelo Baiño