Posibleng makipag-alyansa ang partidong Lakas-CMD sa United Nationalist Alliance (UNA) ni vIce President Jejomar Binay sa 2016 Presidential elections.
Inamin ni Lakas-CMD President at Leyte Representative Martin Romualdez, na nahihirapan silang maghanap ng sarili nilang imamanok sa pagka-Pangulo at Bise Presidente.
Sinabi ni Romualdez na pinag-aaralan na nila ang posibleng pag-anib sa koalisyon ni Binay lalo pa’t ito lang naman aniya ang malinaw na oposisyon sa ngayon.
Matatandaang bitbit noon sa pagka-Pangulo noong 1992 at 2004 sina Fidel Ramos at Gloria Arroyo.
Taong 2010, natalo ang pambato ng lakas na si Gilbert Teodoro sa noo’y Senador Noynoy Aquino.
By Ralph Obina