Napanatili ng bagyong Falcon ang lakas nito habang patuloy na kumikilos pa-kanluran hilagang kanlurang direksyon.
Ang sentro ng bagyong Falcon ay pinakahuling namataan sa layong 1,250 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay ng bagyong Falcon ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 130 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 160 kilometro kada oras.
Ang bagyong Falcon ay tinatayang kikilos pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Maulang Panahon
Patuloy na mararanasan ang maulang panahon hanggang ngayong weekend.
Ito ang pagtaya ng PAGASA kasunod ng halos araw araw at magdamagang pagbuhos ng ulan partikular sa Metro Manila.
Binaha ang maraming lugar sa kalakhang Maynila at mga kalapit lalawigan dahil sa matinding buhos ng ulan na naging dahilan din ng suspensyon ng klase.
By Judith Larino
Source: PAGASA