Napanatili ng bagyong Kiko ang lakas nito habang kumikilos patungong Philippine Sea.
Huling namataan ng pagasa ang bagyo sa layong 895 kilometers silangan ng Central Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kph at pagbugso na 215 kph.
Kumikilos ang bagyo pa-kanlurang direksyon sa bilis na 20 kph.
Posible namang maranasan ang malakas na ulang dulot ng bagyong Kiko sa Northern Luzon simula bukas.—sa panulat ni Drew Nacino