Napanatili ng bagyong Lando ang lakas nito habang kumikilos patungong Ilocos Norte, Abra at Apayao.
Ang sentro ng bagyong Lando ay pinakahuling namataan sa layong 20 kilometro kanluran ng Vigan, Ilocos Sur.
Taglay ng bagyong Lando ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 150 kilometro kada oras.
Ang bagyong Lando ay inaasahang kikilos pa hilaga hilagang silangan sa bilis na limang kilometro kada oras.
Ang public storm signal number 2 ay nakataas sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra, Apayao, Kalingam, Mountain Province, Ifugao, Benguet at Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan Group of Islands.
Samantala ang public storm signal number 1 ay nakataas sa Pangasinan, Zambales, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Isabela at Batanes.
By Judith Larino