Pinasalamatan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa pag-aresto sa dalawang responsable sa panloloko at ilegal na pag-solicit ng campaign fund para sa standard bearer ng partido na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at running-mate na si Inday Sara Duterte o BBM-SARA Uniteam.
Sinabi ni retired Gen. Thompson Lantion, Secretary-General ng PFP, malaking bagay ang ginawa ng PNP-CIDG upang masugpo ang mga grupong nananamantala para lamang makapag-solicit ng iligal.
Kinilala ang mga suspek na sina Reynaldo Llorin, 64 anyos at Rolly Balazon, 53-anyos na kapwa residente ng Quezon City.
Sinabi ni Ferro na ang mga suspek ay nagpakilalang mga pinuno ng bangon bagong maharlika movement na sinasabing kaalyado ng BBM-SARA UniTeam kung saan, karamihan sa nabibiktima ang mga independent mayoralty candidate sa mga probinsiya ieendorso ng uniteam, kapalit ng malaking halaga ng salapi at overseas filipino workers (OFWs) at ibang pribadong kompanya na hinihingan din ng pera bilang pandagdag pondo umano sa kampanya ng bbm-sara team.
Nabatid na matagal nang nakakatanggap ng sumbong ang mga otoridad kung saan, tanging ang tambalan nina bbm at sara ang target ng mga sindikato dahil nangunguna itong kandidato sa national elections.
Napag-alaman din na ang grupo ng mga suspek ay sangkot din sa sinasabing ‘assassination plot’ laban kay BBM.
Samantala, patuloy pang pinaghahanap ang dalawa pang kasamahan ng mga suspek na sina Isidro Sososco, Kagawad ng Bgy. Aurelio, San Jose, Dinagat Island; at Ma. Buen Bajar Castillo na tumatakbo naman ngayon bilang Municipal Councilor ng San Jose, Dinagat Island.