Bubuhayin muli ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang “Lakbay Alalay” Roadside Assistance Program, upang matugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga motorista sa mga pangunahing kalsada para sa pagdiriwang ng Semana Santa ngayong taon.
Magsisimula ang Lakbay Alalay ng 8 a.m. sa Huwebes, Marso 28, hanggang 5 p.m. ng Biyernes, Marso 29.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, naglabas siya ng dirtiba na dapat tiyakin ng lahat ng Regional at District Engineering Offices sa buong bansa na ang mga sign at pavement markings sa mga pambansang kalsada ay maayos na na-install, gayundin ang mga warning sign at tamang markings sa lahat ng kasalukuyang ginagawa na road-improvement projects.
Nagatalaga din ng mga lakbay alalay tent na kulay asul kung saan maaaring humingi ng tulong ang bumibiyaheng publiko para sa maintenance equipment. – sa panunulat ni Katrina Gonzales