Magsisimula nang umarangkada ang Lakbay Alalay ng Department of Public Works ang Highways na magbibigay gabay at “assistance” sa mga motorista at mga dayuhang turista ngayong Semana Santa.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, lalarga ito simula ngayong Miyerkules Santo hanggang sa a-Dos ng Abril.
Ipakakalat ng DPWH ang kanilang mga tauhan sa mga istratehikong lugar sa buong bansa.
Katuwang ng ahensya sa pagtitiyak ng seguridad sa mga kalsada ang Land Transportation Office, Philippine National Police at Local Government Units.