Wala nang makakapigil pa sa pagsasanib puwersa nina Le Bron James at JR Smith.
Kasunod ito ng anunsyo ng Los Angeles Lakers na kukunin nila si Smith bilang dagdag puwersa sa koponan.
Si Smith ang ipapalit ng pamunuan ng Lakers kay Avery Bradley na nagpasyang huwag munang maglaro dahil sa problema sa kalusugan.
Si Smith ay naging malaking tulong sa nakuhang 2016 NBA championship title ng Cleveland Cavaliers kasama si James.