Pasok na sa NBA Finals Ang Los Angeles Lakers sa kauna-unahang pagkakataon simula noong 2010.
Ito ay matapos na masungkit ng Lakers ang game 5 sa Western Conference Finals kontra Denver Nuggets sa score na 117 – 107.
Pinangunahan ni Lebron James ang panalo ng Lakers kung saan nakagawa ito ng 38 points, 16 rebounds at 10 assists.
Ito rin ang maituturing na pinakamagandang laro ni James sa serye.
Samantala, nakapagambag naman sa laban si Anthony Davis ng 27 points 5 rebounds, 3 assists, 2 steals at isang block.
Nakatakdang kalabanin ng Lakers sa finals ang koponang magwawagi para sa Eastern Conference Finals sa pagitan ng Boston Celtics o Miami Heat.
Huling nakapasok sa finals ang LA Lakers noong 2010 sa pangunguna ni NBA legend Kobe Bryant at Paul Gasul kung saan nakalaban nila ang Boston Celtics.