Pinadapa ng koponan ni Filipino-American Utaz Jazz guard Jordan Clarkson ang Los Angeles Lakers sa iskor na 130-116.
Hindi inaasahan ng marami na tatalunin ng Jazz ang Lakers sa mismong home court nito na mayroon pang apat na superstar player sa pangunguna ni Lebron James.
Dahil sa pagkatalong ito ng purple and gold, bumagsak sila sa ika-14 na pwesto sa Western Conference Division na may dalawang panalo at anim na talo.
Nanguna sa panalo ng Utah ang kanilang sentro na si Lauri Markkanen na may 27 points at 12 rebounds na sinundan ni Fil-Am guard Jordan Clarkson na tumipa ng 20 points, 7 rebounds, 3 assists.
Nag-ambag din si Kelly Olynyk ng 18 points habang nagbuslo naman si Mike Conley ng 15 points at mayroong 10 assists upang masungkit ang kartadang pitong panalo at tatlong talo.