Nalampasan ni Lakers Superstars Lebron James ang career points ni Karl Malone sa all-time scoring list ng NBA.
Ito’y matapos humakot si James ng 36,947 career regular-season points kung saan, 36,928 lamang ang kabuuang naitala ni Malone sa kaniyang career points habang nangunguna naman sa listahan si Kareem Abdul-Jabbar na may all-time record na 38,387 points.
Matatandaang tinapos ni Lebron ang laro na may 38 points, 10 rebounds at 6 assist kontra Washington Wizards pero hindi naging sapat ang kaniyang puntos kung saan, tambak ang Lakers sa ikalawa hanggang ika-apat na quarter dahilan para maitala ang panalo ng Wizards sa iskor na 127-119.
Samantala, pinadapa naman ng New Orleans Pelicans ang San Antonio Spurs sa NBA sa iskor na 124-91.
Tinambakan ng Spurs sa una hanggang ikatlong quarter ang Pelicans matapos magpakawala ng 20 points, 4 rebounds at 4 assists ni CJ Mccollum.
Abangan naman mamaya ang susunod na laro ng Spurs kung saan, kanilang makakalaban ang Golden State Warriors alas-8:30, oras sa Pilipinas. — sa panulat ni Angelica Doctolero