Halos P1-M ang multa sa ilang kumpanyang lumabag sa Occupational Safety and Health Standards Law.
Ipinabatid ito ni Senador Joel Villanueva, base na rin sa datos mula sa Bureau of Working Conditions.
Sinabi ni Villanueva na nasa halos 23,000 establishments ang binisita ng safety inspectors ng DOLE mula noong Enero hanggang noong nakalipas na buwan.
Dapat aniyang magsilbing babala ito sa mga negosyong binabalewala ang kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa sa lugar ng kanilang trabaho.
Ayon pa kay Villanueva, chair ng senate committee on labor, dapat ay mayroong safety officers para tiyakin ang kaligtasan ng mga manggagawa habang nagtatrabaho sila at maiiwasan din ang aksidente kung maayos ang ipinatutupad ng safety mechanisms.
with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)