Isang lalaki ang arestado dahil sa panggagahasa sa 16 anyos nitong pinsan sa barangay Silangan, Quezon city.
Batay sa imbestigasyon, Oktubre a-dos nang maganap ang panghahalay habang natutulong ang biktimang si alyas Carmen.
Katabi ni Carmen ang tatlong kapatid nang maramdaman niyang pinagsasamantalahan na siya ng pinsan kaya’t napasigaw siya dahilan upang tumakbo ang suspek.
Agad sinamahan ang biktima ng ina nito na magsumbong sa barangay.
Samantala, aminado ang suspek na lasing ito nang halayin ang kanyang sariling kadugo.