Patay ang isang 75-taong gulang na lalake sa Hong Kong matapos itong tamaan ng sakit na bird flu.
Dahil dito, ang mahigit 50 nagkaroon ng closed contact sa biktima kasama ang mga nakasama nito sa bahay at mga medical staff na tumingin dito ay inilagay na sa medical surveillance.
Una rito, na-diagnosed na taglay ng naturang lalake ang bird flu matapos itong bumisita sa Guangdong Province sa China kung saan ay nag-uwi ito ng manok mula sa palengke doon.
Sinasabing ang naturang kaso ang ika-17 imported case ng h7n9 na nakumpirma sa Hong Kong.
By Ralph Obina