PATAY ang isang lalaki matapos malunod sa Barangay Poblacion Ilawod, bayan ng Dao, sa lalawigan ng Capiz.
Idineklara itong dead on arrival sa ospital ang biktima na si Alex Demalata, 23 taong gulang at nakatira sa Barangay Duyoc.
Nabatid sa imbestigasyon na sinubukang languyin ng biktima ang tubig-baha ngunit natangay ito ng malakas na agos.
Lango umano sa alak ang biktima nang mangyari ang naturang insidente.