Ilang taon nang kasal ang Taiwanese na si Fan at ang kanyang asawa. Noong 2022, nagsimulang maghinala si Fan na may ibang karelasyon ang kanyang asawa.
Ngunit nang mahuling nagtataksil ang kanyang asawa, si Fan pa mismo ang inaresto ng mga pulis!
Dahil sa paghihinala, naglagay ng cameras sa iba’t ibang bahagi ng kanilang bahay si Fan.
Makalipas ang dalawang linggo, nakumpirma ang kinatatakutan ng lalaki nang makuhanan ng video ang kanyang asawa at kalaguyo nito sa kanilang bahay.
Ginamit ni Fan ang video na ito bilang grounds o batayan sa pagfi-file ng divorce. Sinampahan rin niya ang babae ng civil lawsuit.
Lingid sa kanyang kaalaman, nagtungo na sa mga pulis ang babae upang akusahan siya ng invasion of privacy dahil sa paglalagay ng mga camera sa kanilang bahay nang walang pahintulot.
Bagamat sinabi ni Fan na naglagay lamang siya ng mga camera dahil sa pag-aalala sa kanyang dalawang anak, hinatulan pa rin siya ng Taoyuan Court ng tatlong buwang pagkakakulong.
Bagamat nais lamang ni Fan na alamin ang katotohanan, nauwi ito sa mas kumplikadong problema na humantong pa sa kaparusahan. Patunay lamang ito na kailangang pag-isipan nang mabuti ang bawat aksyon, kahit sa tingin natin ay tama ito.