Arestado ang isang lalaki matapos nitong pugutan ng ulo ang sariling anak sa Agusan del Norte.
Dinakip ang suspek na si William Becong, 46-anyos, na kilalang may sakit sa pagiisip sa kanilang lugar.
Ayon kay Caraga Regional Police Director Brig. General Romeo Carama, pinugutan ng suspek ng ulo ang kanyang anak gamit ang 14-pulgadang curved machete.
Matapos na arestuhin, dinala rin si Becong sa provincial hospital dahil sa tinamo nitong mga sugat sa katawan nang tadtarin din nito ang kaniyang sarili.
Napag-alam din sa imbestigasyon na may sakit rin sa pag-iisip ang kaniyang pinatay na 9 na taong gulang na anak.
Samantala, nahaharap ang suspek sa kasong parricide na isinampa ng Buenavista Police. —sa panulat ni Mara Valle