Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10863 o paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act ang isang negosyante na nahuli sa aktong nagbebenta ng peke at smuggled na sigarilyo sa Bayan ng Tboli, South Cotabato.
Kinilala ang suspek na si Saipoden Gulac Comayog na nakuhanan ng aabot sa 250 na reams ng mga assorted brands ng smuggled na sigarilyo.
Ayon kay Police Major Hezron Parangan, Hepe ng T’boli PNP, nakatanggap sila report kaugnay na iligal na bentahan ng mga peke at smuggled na sigarilyo sa nabanggit na lugar.
Dito na sila nagsagawa ng operasyon at doon naaktuhan ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya na ng T’boli PNP Police Station. —sa panulat ni Angelica Doctolero