Kaloboso ang isang lalaki sa barangay Bagumbayan, Quezon City matapos mahulihan ng shabu na itinago sa face mask.
Kinilala ang suspek na si Mark Gregory Mendoza, 36 anyos.
Ayon sa Quezon City Police District-Station 12, sisistahin sana si Mendoza dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar pero nang makita nito ang mga pulis ay biglang tumakbo.
Agad na naharang ang suspek at nang inspeksyunin ang hawak nitong face mask ay bigla umanong nalaglag ang dalawang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6K.
Bukod sa reklamo dahil sa hindi pagsusuot ng facemask, nahaharap din si Mendoza sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at City Ordinance. —sa panulat ni Mara Valle