Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong barilin sa ulo ng kanyang tiyuhin sa gitna ng kanilang sagutan habang nag-iinuman sa Ilagan, Isabela.
Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Reyjun Mina habang inaresto ng mga pulis ang tiyuhin nito na si Richard Mina.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang magtiyuhin nang magtalo ang mga ito.
Umalis ang suspek at armado na ng shotgun nang bumalik, walang salitang inasinta nito ang ulo ng pamangkin at pinutukan ito.
Nakuha sa kanya ang 12-gauge shotgun na ginamit niya sa krimen matapos maaresto.